kwentuhan

pano ko ba ito gagawing maikli? sige subukan ko, magiging malabo lang naman itong post na to.

 

3 beses ko na napanood ang This is It ni Michael Jackson.

una sa glorietta kung saan tumakbo kami ni kuya na parang sasabog na ang dibdib ko

pangalawa sa batangas kasama si ate kung saan humiyaw kami sa sinehan kasi patay ang mga manonood

pangatlo sa kotse ni tope kung kelan bumili siya ng pirated na dvd para lang may mapatugtog sa kotse nya

sa tuwing papanoorin ko si MJ ako ay natutuwa at nalulungkot. natutuwa kasi grabe talaga ang galing nya. idol talaga. nakakalungkot dahil sayang, sana natapos muna ung concerts bago siya namatay.

 

 

 

bale sasama ako sa PVW, gusto ko kasi ng lumuwas muna. gusto ko pumunta sa isang magandang lugar. kailangan eh. para sa akin lang naman. gusto ko lang naman magenjoy at wala munang iisipin kundi ang oras na nandun ako.

minsan masama ang loob ko, hindi naman yun maiiwasan. pero papunta na ako sa 100% okey. hindi naman ako nagmamadali. para san pa ba ang pagmamadali? bata pa naman ako eh. madami pang kailangan gawin.

 

 

 

pumapayat ako. masama to. kailangan ko bumawi sa pagkain. kung hindi..yaak. di bagay sa akin ang sobrang payat.

 

 

mahina na nga katawan ko pahihinain ko pa. so go lang..LAMON. *yum*

 

 

 

hoy ikaw. salamat sa’yo. marami ako natutunan. yun lang.

Leave a Comment