Archive for July 8, 2009

+ Man in the Mirror +

umiglipĀ  ako ng mga 11pm para panoorin ko ang memorial service ni michael jackson.

nung dumating si kuya from work, sinabi ko na ipapalabas sa tv yung memorial service.

kaya yun, nag-alarm ako ng ala-una tapos bumangon ako at nakita ko si kuya kabubukas palang ng tv.

grabe ang impact…. umiyak ako ng isang drum. si kuya din umiyak.

napaiyak ako sa mga speech at mga kanta na ihinandog sa kanya.

isa sa mga paborito kong part ay yung kantang will you be there kasi may monologue ni mike sa katapusan.

nung kinanta ni mariah yung i’ll be there at nag adlib sa last part, grabe . . . lalo na nung sina bi yung name ni michael.

ang pagkanta ni jermaine ng smile… kakatouch grabe.

at si paris? sweet soul, sweet child… broken hearted.

he will be the greatest performer in my heart

but they told me, i have to be faithful

and walk when not able

and fight till the end

but i’m only human

~MJ