i’m a kid of the new generation and yet i was touch by the music of a genius because eversince i was a kid, i was exposed to Mr. Jackson’s greatness.
i remember the times back when i was a kid that i used to watch a video cassette tape of Michael Jackson’s HIStory. i even remember playing it in the VHS nonstop and i watch it everyday. i memorized all of his songs and even studied his dance steps. from thriller to bad and to black or white….*sigh* …i find it amazing that every 10 seconds in his concerts, a fan faints because of the overwhelming emotions caused by Mr. Jackson’s energy onstage.
i also remember back in first year highschool, my class joined this contest wherein we have to sing and dance. i suggested that we should do Michael Jackson’s songs…so we did Thriller and Scream and we won first place
i believe Mr. Jackson is one of my biggest influences in music. over the years i am still impressed by his greatness despite of the controversies against him. yes, i am an avid fan. even my family.
it’s sad that he passed away…to think he will be performing again for the next month as his final curtain…. i feel like i have so much to say…but i’ll end it here
sawang-sawa na ako kausapin ang sarili ko sa harap ng salamin…gusto ko sa isang maluwag na lugar
sana may ‘hidden world’ talaga akong alam kung saan sa isang iglap makakrating ako dun at maisisigaw ko nang napaka lakas ang mga saloobin ko . . . yung walang makakarinig…basta ang importante…naisigaw ko na
may chur fries din pala sa akin ang aking pamili. last minute lang din na plano na mag-swimming.
masaya dahil pers taym ko nakaswimming si dadoi. kumbaga ang sigla sigla di tulad ng mga nakaraang mga araw na nakasama ko siya na stressed sa trabaho. tapos si mami, ayun natutong magswimming. tinuruan ni dadoi eh haha ang sweet.
ang ganda ng lugar. maliit pero maganda. 2 months pa lang nagbukas yung resort eh. yung pool may mga fountains pa sa gilid. haha ang ganda. tapos nung umabot kami ng dilim, may mga ilaw sa ilalim ng pool! nagiibang kulay pa. hihihi
eh kami nina ate, kuya at mommy naisipang magrace sa pool. eh ako sa sobrang tuwa..di ko namalayang malapit na pala ako sa dulo. okay nauntog ako. BOOO! haha pero masaya
wala kaming keyk. isa lang ang solusyon dyan =PIZZA! yes man. pizza talaga eh ano? may kandila pa syempre! yung natirang kandila dun sa birthday keyk ko nung sleepover
grabe ang saya ko lang talaga. tapos may live acoustic show pala dun every weekends. kumanta na din ako ng ‘when you say nothing at all’ at tsaka ‘why’.
eto nga pala bidyo
punta kayo dito para sa mga litrato….may kwento din ang bawat kuha
basta masaya ako kahapon. akala ko mababadtrip ako. akala ko may mangyayari na masama. hindi pala. okay na okay pala. ang saya ko at wala na talaga ako hihingiin pa. isang malaking ngiti ang nakatatak sa mukha ko kahapon. hanggang sa pagtulog ko ay okay na okay pa rin. kaso nga lang, ayoko pa matulog nun. gusto ko makipagtext. kaso inunahan ako ng antok.
nung natutulog ako, nagising naman ako saglit. tiningnan ko yung phone ko at may 2 mensahe. yung isa, sinasabi na nasa bahay na siya at tinatanong kung gising pa ako. gusto ko sana makipag text kaso inaantok na talaga ako. nag gudnayt ako at sinabi ko matutulog na lang ako. tapos may isa pang text. sabi nya naalala nya daw ako kasi malapit na daw ang kaarawan ko at nakita nya isang bus ticket nung pesta ng kaarawan ko. teka, parang wala yata akong naalala na bertday ko at nakasabay ko siya sa bus. uh okay. di ko na nireplyan at inaantok na talaga kasi ako. tapos biglang nagreply sa akin yung unang nagtext at nag gudnayt na din.
tapos kaninang umaga tiningnan ko uli inbox ko. di ko pa pala nabubura yung mensahe na pinadala sa akin yung tungkol sa bus ticket. eh ayaw ko magmukang masama kaya nagreply nalang din ako. sinabi ko na di ko maalala yung nagkasbay kami sa bus nung mga nakaraang taon na kaarawan ko. pero nagpasalamat naman ako kasi naalala nya.