Archive for May 26, 2009

+ kagabi +

umakyat ako sa viewdeck ng condo at dinala ko baby ko [gitara ko]

para lang akong ewan dahil wala naman ako tinutugtog na kanta. kapa lang nang kapa kasi wala na akong alam sa gitara. gusto ko sa taas kasi mahangin at tahimik. ayoko sa kwarto dahil di ko talaga feel. gusto ko sa maluwang na lugar para lumuwag din ang mga naninikip sa dibdib ko. sa totoo lang nakagawa pa nga ako ng kanta. kaso nakalimutan ko na.. wala akong lapis at papel para isulat iyun at di ko na ginamit ang cellphone ko pangrecord. pang-ilang beses na nangyari sa akin na nakakagawa ako ng kanta na di ko naman sinulat o ano tapos makakalimutan ko lang. sa bagay, okay lang din kasi ang gusto ko lang mailabas ang sama ng loob ko sa sarili ko.

pinabayaan ko muna ang sarili ko mag-inarte kasi parang kailangan ko eh.

pede ga umiyak muna ako? iiyak lang ako ha… mangiinarte lang

patawad na

.

oo nga pala…anim na