+ sa wakas +

yay! official na to. gusto ko na magblog nang nagtatagalog. at kung may angal, bahala ka. pag feel ko na lang mag-ingles saka na ako mag-iingles.

sa wakas pasukan na. namiss ko ang mga tao sobra. kahapon lang nagstart at noong isang araw, nag-enroll ako. grabe, dapat umaga ako nag-enroll eh nahilo ga ako pagkagising ko. kumbaga nung bumangon ako parang tumambling yung paningin ko. grabe yun di ko kinayanan. at nasuka pa ako..hehe

ayun,  nagbyahe ako nang tanghali, maling bus ang nasakyan ko.  ibang ruta pala yung bus kaya napatagal ng 4 na oras yata byahe ko..boo! tapos pagdating ko sa maynila,  nag-enroll ako, nag-cut pa ako ng line kasi yung kaibigan ko tinawag ako at binigyan nya ako ng pagkakataon na ma-cut ang linya para makipagdaldalan. eh sino pa ga ang pinagkekwentuhan namin eh wala nang iba kundi sa Creepy-chan. ay ano ba yan mga obessed XD

chocolate kisses.

pera.elevator.

bayad.

yakap.

pasta.

teddybear.

condo.

luto.

bidyo.

amoy ng sibuyas.

wendys.

tapos nung pasukan, syempre excited na ako. nakita ko mga kablock ko at mga kaibigan ko. may mga pumayat at tumaba. tapos ang daming frosh! ang kyot nilang tingnan kasi naalala ko mga times na frosh pa ako. hihi nakakatuwa lang silang pagmasdan XD

tapos narealize ko napahiwalay nga ako sa mga blockmates ko. 2 subjects ko lang sila kaklase… pero okay lang. may mga tao na kilala ko lang at nakakatuwa naman at naging kaklase ko…wow hiya mode naman ako…konti lang XDDD (aySAUCE!!!)

tapos feeling ko kailangan ko magpahinga. so balik ako sa condo at natulog. may kayakap yata ako nun eh… sana di ko na lang binitiwan kasi nung nagising ako, wala na.

may klase nga pala ako sa gabi 6-9. huwaw! hahaha pers taym. soooo ayun.. pagkagising ko nag-ayos lang ako ng konti at bumalik sa school. tapos naghintay na magtaym…at yun.

ok lang… ayos din mga kaklase ko… ayun weee~

so ano..tapos ka na ba basahin to? rawr na lang tayo…RAWR!!!!

3 Comments »

  1. Anito Said:

    sinubukan ko rin yan dati… kasi nagrevert ako sa ingles. hehe.

    PS Nalink na kita dati pa.. Okay lang ba kung magrerequest ako na ilink mo ko. Sige na sige na. Please. hehe

    • Anito Said:

      “kaso nagrevert” un ung ibig kong sabhin. hehe

    • canaceluana Said:

      kung ano?


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Comment