may napaginipan ako kagabi pero di ko talaga maalala. sa tingin ko may magnyayari ngayon. sa bagay, mamaya 2 lang klase ko: JOSERIZ at PE.
excited din ako para mamaya. bonding sessions at videokehan na ito. tapos kasama ko pa si Jen. tamang timpla lang… tamang tama.
pero nung nagising ako, tae nagulat ako. dalawang mensahe sa cellphone ko galing kay Jen na sabi nya na gusto nang may makausap at kung gising pa ba ako. nag-alala ako at tinext ko siya na kung maaga ba siya pupuntang eskwalahan kasi ako maaga. pero sabi nya di daw siya maaga eh, naalala ko nga pala Huwebes pala ngayon, akala ko Miyerkules kung kelan alas-otso ang simula ng klase namin.
maghihintay na lang ako hanggang sa mag-usap kami. tae oh, tapos naisipan ko magkompyuter muna sa kompyuter shop kasi maaga pa [ngayon iyun] at tiningnan ko lang ang mga online accounts ko. wow, dami ko nakita sa plurk. alam nyo, nagsisisi ako na nakatulog ako at sana naman may internet yung condo namin. kamalayan ko ga na may nangyayari na?
patawad talaga. medyo naguguluhan na lang din ako. gusto ko siyang tulungan at pati yung isa pa. gusto ko may magawa naman ako para sa kanila kasi mahal ko sila
iyun lang.
gusto ko ng moo~sic


