Maligayang pagbalik!
Sobrang daming nangyari, madami din sana ako gusto ikuwento. Pero sa ngayon ito na lang ang kaya kong ibahagi ko sa inyo.
Nalulungkot ako. Madaming rason kung bakit.
Ilang beses ko itinatanong ko sa Panginoon kung bakit nangyayari mga ito. Itatanong ko kung bakit iyon ang desisyon niya… nila. Sa totoo lang alam ko din naman kung bakit pero, pakiramdam ko na nabigo ako. Hindi sapat yung tulong na ginawa ko. Maraming nasasaktan at isa na ako doon. Sa parte ko naman nakakakonsensya, ni hindi ko na alam kung paano na ako kikilos. Wala akong magagawa kundi ipaubaya nalang sa Kanya ang lahat, alam naman Niya ang kailangang mangyari. Nakakatakot lang kasi baka ang kapalit nun ay mawala yung saya na mayroon ngayon.
Iniisip ko nga, ang daya ko. Kung kailan ako masaya o kaya tama ang ginagawa, yung mga mahal ko ang sumasablay. Sila ang nagkakamali at nasasaktan. Ang daya ko naman. Tama ba itong nararamdaman ko?
How Could You?
You washed you hands and put them back on the mud
Spread it all over my face.
I can’t stand watching you bleeding
Your self is all over the place.
Sorry eyes leering upon you
how could you?
Leaping forward than moving back
how could you?
Drowning in endless pain
You found pleasure
Stop and hold back
Remember? Remember?
How could you?
Stop crying, stop punching holes on your face
Beautiful girl
You worth more than this mess
We did all we can to save you from burning
From falling, from drowning
Why wouldn’t you listen?!
The more that you are hurting
The more we are dying
Drowning in endless pain
You found pleasure
Stop and hold back
Remember? Remember?
How could you?
How could you shut us down?
Mute us from our full blast
Darling please stand up and come back
Look at the people around you
They gave up already on you
Drowning in endless pain
You found pleasure
Stop and hold back
Remember? Remember?
How could you?
How could you?
Kontrabida
Aminin ko na may mga pagkakataon na ako ang nakasaktan o ako ang nagkulang.
Sobrang sama ng tingin ko sa sarili ko kapag naalala ko yung panahon na iyun, at hindi karapat-dapat sa kanya mangyari iyun.
At kailangan mong makipagkita. Para saan pa? Ilang taon na ang nakalipas.
Ang mahalaga sa akin ay naging magkaibigan pa rin tayo.
Hindi ko pinagsisisihan yung ganda na nawala sa atin.
Pinagsisisihan ko na ako ang nakasaktan, nagpaasa at nakatatak ng isang malalim na sugat sa isang taong naging mahalaga sa akin noong mga araw na iyon.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Naiirita ako na ewan. Gusto kong sumuko at madali ako mainis sa ibang tao. Tatahimik na lang ako, lalabas, magiikot tapos babalik na parang walang nangyari. Kungwari walang inis/asar/taeng nararamdaman.
Lakad lang palayo. Tahimik pa rin. Tapos pagkabalik, makikinig sa mga musikang medyo nakakarelate sa sitwasyon at makakalmado na. Wirdo. Hindi ba dapat mas magiging agresibo ang pangka inis? Labo.
Teka lang. Hinga lang. Ayan. Ano ba. Hindi ito gutom… o baka gutom nga ako? Hindi, badtrip lang talaga ako.
Tapos madali pang manglambot. Tapos mamaya okay na. Ano ba yan, bipolar.
Seryoso, hindi to gutom.
Babawi ako nekstaym. Sobrang busy ko pa.
Bale, kamakailan lang, nagsusulat na ako ng mga tula at kanta. Pero kailangan bumalik sa gawaing pang eskwelahan. Kailangan ihataw na tong term na ito. Lord, kaya ko naman po ito di ba?
Pan-a-gee-neep
Napaginipan ko na di ko sinasadya na maka-webcam chat ko siya. Mukhang tuwang tuwa siya na may kausap siya nung nakita niya ako. Ayaw niya akong umalis pero nagsign-out ako.
Tapos, lumabas ako…kinabukasan yata yun. Di ko alam kung bakit, nagtanong ako sa mga tao kung nakita ba nila siya. Tinuro nila, at ewan ko kung bakit, pinuntahan ko naman.
Pumasok ako sa restaurant, hinahanap ko siya. Wala. Naisipan ko muna na bumalik kung saan ako nanggaling at bigla ko siyang nakasalubong. Biglang lumaki ang ngiti niya. Tuwang-tuwa siya nung nakita ako. May bestfriend na daw siya. Pero parang hindi bestfriend ang dating kasi nagkaka-hiyaan pa kami. Hinawakan niya ang kamay ko… holding hands kami. Ayaw niya akong bitawan.
Nakasalubong namin ang tatay niya, bumalik kami sa restaurant. Hawak niya parin ang kamay ko at pinakilala sa tatay niya. Tuwang tuwa ang tatay niya. Tinitigan niya uli ako at niyakap. Nagising na ako.
Kakaiba, bakit siya pa ang napaginipan ko?
If I fell in love with you…
Nasaan ako? Nasa isang kompyuter shop ako na nagpapatutuog ng mga makalumang lovesongs. Kahit corny at napaka-over used na mga kantang ito, nata-touch ako. Bakit? Isang taon na akong masaya. Nakakaloka lang. Post ako pag naka one year na. Magiging madrama to. Abangaaaaaaaaan.
Desperado
Binanggit sa akin ng isa kong kaibigan na baka daw sa pagtanda ko, mayroong ‘inner-itch’ akong mararamdaman kung hindi ko makakarating ang isa sa pinaka-inaasam-asam na pangarap.
Naiinggit ako, oo. Naiingit ako sa mga taong nakakahanap ng oras o nakakagawa ng paraan na makagawa ng musika at nakakapag-entertain sa mga tao. Miss ko na mga panahon na nagagawa ko yun noong grade school pati noong high shool. Matagal ko na talaga gusto magperform ngunit ipinangunahan ng iba ko pang mga pangarap.
Ang resulta ay hindi na ako masyadong magaling sa gitara, hindi na nahasa ang boses ko…kahit nga sa pag-sayaw ang tigas na uli ng katawan ko. Nakakalungkot lang. Hanggang bidyoke na lang ako.
Hawak ang mikropono, kumakanta habang nakapikit, iniisip na sana nasa entablado ako. Kahit maliit na entablado lang, sa harap ng mga tao. Masaya na ako doon.
Bakit ganoon? Parang, ang lungkot lang. Kung isipin ko gumawa ng banda, hindi din naman yun matutuloy. Ilang aya… ilang ulit… Wala. Mga isinulat kong kanta, kaunti na lang ang natira at naalala. Binitawan ko na yang pangarap na yan matagal na, pero bumabalik nanaman sa akin ang uhaw na makamit ito.
O kaya hindi naman talaga para sa akin to?
Protected: Isyung Black Coral
Permalink Enter your password to view comments.
Paki Mo
Yun yun eh. Kahit saglit lang, natuwa naman ako kahit pano.
Sana lang hindi defense mechanism mo yun.
